MILK DONATIONS BAWAL SA EVACUATION CENTERS
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
IPAGBABAWAL na ang gatas bilang donasyon sa mga evacuation centers .
Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum .
Sinabi ni Vergeire, na bawal ang pamamahagi o pagtanggap ng milk donations, commercial baby food at bottles para sa mga bata na nasa edad 2 taong gulang pababa.
Ipinagbabawal din ang paggamit ng pacifiers at tsupon.
Paalala ng opisyal na mas mainam pa rin ang breast feeding para sa mga babies dahil ito ay mahalaga lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ginawa ni Vergeire ang paalala dahil may mga evacuess sa mga evacuation centers na mga sanggol na nangangailangan ng gatas kaya mahigpit na ipinagbabawal ang milk donations. (GENE ADSUARA)