• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:43 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors

NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists pa­ra igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Gol­­den State Warriors at makaiwas mawalis sa Wes­­tern Conference finals.

 

 

Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kan­yang 14 games sa post­sea­son para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng Golden State.

 

 

“Just got to finish the game. A win is a win,” sabi ni Doncic na may masamang 10-of-26 fieldgoal shooting.

 

 

Nagdagdag si Dorian Finney-Smith ng 23 points at may 18 markers si Reggie Bullock na lahat ay ga­­ling sa three-point line.

 

 

May 15 points si Jalen Brunson, habang may 13 at 10 markers sina Maxi Kle­ber at Spencer Dinwiddie, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nagsalpak ang Mave­ricks ng 20 triples para ta­pusin ang tatlong sunod na kabiguan sa Warriors sa serye.

 

 

Nakatakda ang Game Five sa San Francisco.

 

 

Umiskor si star guard Ste­phen Curry ng 20 points para sa Golden State na nakadikit sa 102-110 agwat matapos magtayo ang Dallas ng 29-point lead.

 

 

Ngunit hindi na muling nakalapit ang Warriors.

 

 

“Just made the decision to see if we could pull off a miracle, but it wasn’t meant to be,” sabi ni coach Steve Kerr sa kanyang tro­pa.

 

 

Ang dunk ni Doncic at ang ikaanim na tres ni Bullock ang muling naglayo sa Mavericks sa 115-102.

 

 

Wala pang NBA team na nakabangon mula sa 0-3 deficit at naipanalo ang serye.

 

 

Isang beses lang na­­wa­lis ang Dallas sa ka­nilang 34 best-of-seven se­­ries.

 

 

Ito ay nang dominahin ng Oklahoma City Thunder ang Mavericks sa first round ng 2012 playoffs.