• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 7:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan

MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan

 

 

Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na magpapalakas sa pangangalaga ng  mga kabataan laban sa pag-abusong sekswal at pagsasamantala sa online.

 

 

Kapag naisabatas, ang sinumang lalabag sa batas ay pagbabayarin mula P200,000 hanggang P2-milyon, at papapatawan ng parusang pagkabilanggo.

 

 

Bukod dito, ang mga sindikato at malawakang paglabag ninoman ay mabibilanggo at pagbabayarin ng multang P5-milyon hanggang P20-milyon.

 

 

Sa ilalim ng batas, ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation ay magkatuwang na makikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng mga dayuhang nagpapatupad ng batas, para sa mabilis na palitan ng mga impormasyon, mga nakagawian, at magkasanib na imbestigasyon.

 

 

Lilikha rin ng Congressional Oversight Committee upang mamonitor at matiyak ang epektibong pagpapatupad, kabilang na ang pagrerekomenda ng karampatang lehislasyon at mga panukalang administratibo, at iba pa.

 

 

Niratipikahan din ang mga ulat sa bicameral conference committee ng mga sumusunod: 1) HB 6134 at SB 2494, na nagpapalakas sa sistemang pinansyal para sa agrikultura, pangingisda at kaunlaran ng mga kanayunan sa Pilipinas, at 2) HB 10308 at SB 2485, na lilikha sa Congressional Oversight Committee on Education, na magrerepaso sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas at magrerekomenda ng mga makabagong reporma sa polisiya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)