Pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR, hindi dahil sa eleksyon – OCTA
- Published on May 25, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ng OCTA Research group na ang mas maraming transmissible Omicron subvariants COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa Metro Manila.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCTA research fellow Dr. Guido David na hindi ito dahil sa mga aktibidad na inilunsad noong panahon ng eleksyon.
Aniya, bagamat kaliwa’t kanan ang mga campaign rallies at sorties na nilalahukan ng maraming tao noong kampanya ay wala raw silang nakitang anuman epekto nito o pagtaas man sa bilang ng mga kaso ng nasabing sakit.
Samantala, sa kabila naman ng pagdami ng mga kaso nito sa rehiyon ay ipinalagay naman ni David na hindi na ito lalagpas pa sa 10,000 ang bilang ng mga kaso nito sa rehiyon.
Patuloy pa rin naman ang kanyang panawagan sa publiko na magpabakuna na at booster shot bilang dagdag na proteksyon laban sa naturang sakit at gayundin ang patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols sa bansa. (Daris Jose)