• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 8:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nilagdaan ang mga batas na lumilikha sa LTO, LTFRB district offices

TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 na batas na naglalayong magtatag ng district offices ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa 13 lalawigan sa bansa.

 

 

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Acts (RA) 11737, 11738, 11739, 11740, 11741, 11742, 11743, 11744, 11745, 11746, 11747, 11748, 11749, at 11750 noong Abril 27 at ang kopya ng mga nasabing batas ay ipinalabas lamang ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

 

 

Ang RA 11737 ay naglalayong lumikha ng regular LTO district office sa Alicia, Isabela, habang ang RA 11738 ay naglalayong magtatag ng LTO district office sa Manolo Fortich, Bukidnon.

 

 

Sa ilalim ng RA 11739, isang regular district office ng LTFRB ay lilikhain sa Bacoor, Cavite.

 

 

Itatatag naman ang LTO district office sa Balingasag, Misamis Oriental at Liloan, Cebu, ayon sa RAs 11740 at 11741.

 

 

Ang RA 11742 ay naglalayong i-convert ang LTO extension office sa Sigma, Capiz upang maging regular district office. Ang converted LTO office ay matatagpuan na ngayon sa Dumalag, Capiz.

 

 

Ang RA 11743 sa kabilang dako ay naglalayong lumikha ng regular LTO district office sa Alcoy, Cebu, habang ang RA 11744 ay naglalayong magtatag ng LTO office sa Laoang, Northern Samar.

 

 

Isa pang panibagong LTO district office ang itatatag sa bawat bayan ng San Jose, Dinagat Islands at Laoang sa pamamagitan ng RAs 11745 at 11746.

 

 

Sa ilalim ng RA 11747, ang extension office ng LTO sa Mabalacat City, Pampanga ay converted na sa regular LTO district office at pinangalanan bilang Mabalacat City LTO District Office.

 

 

Isa namang regular LTO district ang itatatag sa Ibajay, Aklan, na tatawaging Western Aklan LTO Center, ayon sa RA 11748.

 

 

Ang RAs 11749 at 11750 ay naglalayon ding lumikha ng district office sa bawat munisipalidad ng Enrique B. Magalona sa Negros Occidental province at munisipalidad ng Pagsanjan sa Laguna province.

 

 

Binibigyan naman ng mandato ng batas ang Kalihim ng Department of Transportation na isama sa programa ng departamento ang operationalization ng LTO at LTFRB district offices.

 

 

Ang pondo para sa operasyon ng LTO offices ay isasama sa annual General Appropriations Act. (Daris Jose)