300 PAMILYA, NASUNUGAN SA BASECO SA MAYNILA
- Published on May 21, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT sa ika-apat na alarma ang naganap na sunog sa isang residential area sa Baseco Compound sa Maynila kagabi.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Manila, umabot na sa mahigit-kumulang isang milyon piso ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy.649
Nagsimula ang sunog dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi sa dalawang palapag ng bahay at mabilis na kumalat ang apoy at agad nadamay ang mga kalapit na bahay dahil pawang mga gawa sa mga light materials.
Nasa tatlong daang pamilya na kasalukuyang nasa Baseco evacuation center .
Dahil sa laki ng sunog at may mga barko na hindi makaalis sa lugar dahil low tide , ang firefighting unit ng Philippine Coast Guard (PCG) ay tumulong na rin para maapula ang sunog.
Idineklarang fire under control ang sunog pasado alas 9 ng gabi.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng sunog. (GENE ADSUARA )