• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Safe, secure PH’, maiiwang pamana ni Pangulong Duterte- Malakanyang

SINABI ng Malakanyang na ang maiiwang pamana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Filipino ay ang “safe and secure” na Pilipinas.

 

 

Ito’y matapos na sabihin ng Commission on Human Rights (CHR) na ang iiwanang pamana ng Pangulo ay ang gobyernong nabigo na magampanan ang obligasyon para protektahan ang karapatang-pantao at mayroong panghihikayat ng “culture of impunity.”

 

 

“In contrast to what a handful of critiques would want the international community to hear and read about our country, the Duterte Administration leaves a legacy of a safe and secure Philippines,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang kalatas.

 

 

Ang 48-page report ay nakompleto noong Abril ng CHR commissioners na ang seven-year terms ay napaso’ na noong Mayo 5.

 

 

Sa CHR report, ipinalabas ngayong linggo, nakita na ang Duterte government ay nagsusulsol ng “culture of impunity” sa pamamagitan ng pagkontra sa mga independent inquiries at pagtanggi litisin ang mga police officers na nasasangkot sa sinasabing pagsasagawa ng anti-drug operations.

 

 

Nakasaad sa report ng CHR na may 882 drug-related cases kung saan 1,139 ang biktima. Tinatayang 23% ng drug-related deaths ang sinuri ng CHR mula 2016 hanggang 2021.

 

 

Iniulat ng CHR na ang mga pulis ay gumamit ng “excessive and disproportionate force” sa karamihan ng mga kaso nito salungat sa kanilang “standard” na pahayag na self defense.

 

 

Ibinunyag din ng CHR na 73% ng 511 biktima ang di umano’y resisted arrest na namatay dahil nabaril sa ulo at katawan at nagtamo ng multiple gunshot wounds.

 

 

Itinanggi naman ni Andanar ang report ng CHR sabay sabing ang report ay “rehash of old issues.”

 

 

Taliwas sa report ng CHR, sinabi ni Andanar na nakikita ng mga foreign nationals na bumibista sa bansa kung gaano kaligtas ang mga kalsada at komunidad.

 

 

Sa katunayan, bumaba ang crime rate ng bansa simula nang maupo sa pagka-pangulo si Pangulong Duterte noong 2016.

 

 

Idinagdag pa ni Andanar na sa kabila ng pambabatikos kay Pangulong Duterte dahil sa isyu ng ilegal na droga ay nagkaroon pa rin ito ng “high satisfaction, performance, approval and trust ratings at the end of his presidency.”

 

 

“We are pleased that this body (CHR) has independently exercised its mandate — a testament to how the Duterte Administration has allowed our democratic civic space to be enriched under his term,” ayon kay Andanar.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Andanar ang CHR na makipagtulungan sa Presidential Human Rights Committee Secretariat para mailatag ng komisyon ang rekumendasyon nito kasama ang concerned government offices. (Daris Jose)