• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil two years na ang panganay na si Tili: SOLENN, ready na sa baby number two nila ni NICO

HANDA na raw for baby number two si Solenn Heussaff.

 

Dahil 2 years-old na raw ang panganay nila ng mister niyang si Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili, puwede na raw nilang paghandaan ang magiging kapatid nito ngayong 2022.

 

“Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking and I’m not getting any younger. Kaya okey na magkaroon ng isa pang baby,” sey ni Solenn who will turn 37 na sa July.

 

Dagdag pa ni Solenn na tama lang daw yung two or three years na age gap kung sakaling magkaroon ng kapatid agad si Tili.

 

Pinabinyagan na nila Solenn at Nico si Tili noong nakaraang May 7. On Instagram, pinost ni Nico ang isang short video ng binyag ni Tili. Nilagyan niya ito ng caption na: “After 2 years and 4 months…”

 

Pinanganak si Tili noong January 1, 2020. Dahil biglang nagkaroon ng pandemic, na-delay ang pagbibinyag kay Tili. Ang pinsan naman ni Tili na si Dahlia na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nabinyagan na noong nakaraang March.

 

***

 

HABANG umeere pa ang teleserye na Artikulo 247, panay ang pag-asikaso ni Mark Herras sa anak nila ng misis na si Nicole Donesa na si Baby Corky.

 

Wala pa kasing sisimulan na bagong teleserye si Mark kaya sinusulit niya ang bawat araw na kasama niya ang kanyang mag-ina. Para kapag may dumating na bagong trabaho, at least ay nabigay niya sa kanyang pamilya ang maraming quality time.

 

Aminado si Mark na mas naging seryoso na siya sa kanyang trabaho. Hindi na raw puwede yung magtatrabaho dahil napipilitan siya. Nagtatrabaho siya dahil kailangan niya ito at mahal niya ang ginagawa niya.

 

“Siguro yung pinaka-change na ginawa nila sa akin is literal talaga na maging pokus sa trabaho. Talagang pokus ako, like nag-lock-in taping ako ng ilang buwan at nalayo ako sa mag-ina ko. Sakripisyo iyon pero ginawa ko dahil sinabi ko nga na focus na ako sa trabaho ngayon.”

 

Masaya rin si Mark na ang kanyang pamilya ang nagsisilbi niyang inspirasyon ngayon upang mas maging responsable sa lahat ng kanyang ginagawa.

 

Dahil sa pagsusumikap ni Mark, nagsisimula na rin siyang magtayo ng bagong bahay para sa kanyang pamilya.

 

“Dahil maganda ‘yung inspirasyon mo sa buhay, my wife and kay Corky, iba yung ligaya, iba ‘yung saya na ibinibigay nila sa akin. ‘Yung pagiging inspirasyon nila for me sobrang malaking bagay, mas focus ako na ayusin lahat ng ginagawa ko,” sey ni Mark.

 

(RUEL J. MENDOZA)