• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babantayan ng netizens kung mananatiling marangal: VIC, proud papa dahil reelected bilang Mayor ng Pasig si VICO

ASTIG na naman ang episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nagkakagulo ang mga kalaban ng Task Force: Agila headed by Coco Martin.

 

 

Mainit ang ulo nina Lorna Tolentino (the first lady), John Arcilla (Renato Hipolito) at Tirso Cruz (Sec. Arturo Padua) dahil nakuha nina Cardo ang pekeng president.

 

 

Sa video message ni Mariano (the fake president), sinabi nito na gustong makipagkita ng Task Force Agila sa tatlong occupants ng presidential house.

 

 

Siyempre di malaman ng tatlo kung ano ang gagawin dahil posibleng ibinulgar na ni Mariano ang mga kasamaang ginawa nila.

 

 

Meanwhile, hinahanap pa rin nina Cardo ang tunay na president. Clueless pa rin sila kung saan ito matatagpuan.

 

 

Updated ang kwento ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil may nakatakda rin maganap na presidential election. bagamat fiction naman ito at hindi based sa totoong pangyayari, nakatutuwa na attuned sa current events ang kwento ng long-running action serye.

 

 

***

PROUD papa si Vic Sotto dahil reelected by a wide margin ang papable Pasig City Mayor na si Vico Sotto, together with his entire team.

 

 

Maganda naman kasi ang ipinakita ni Mayor Vico sa unang termino niya bilang Chief Executive ng Pasig.

 

 

Maraming ginawang pagbabago si Vico sa City Hall. Naging transparent din ang mga transactions. Nawala ang mga hocus-pocus na gawain ng mga tiwaling employees.

 

 

Isa sa magandang ginawa ni Mayor Vico ay ‘yung ginawa niyang permanent ang maraming casual employees sa city hall. Dahil doon ay nagkaroon ng security of tenure ang mga ito.

 

 

Katatapos pa lang ng election at ‘di pa mga officially proclaimed ang nanalong President at Vice President pero may nabasa na kaming post sa FB na gusto raw nilang bantayan si Mayor Vico at sana raw ay manatili itong isang marangal na public servant.

 

 

Gusto raw nila kasi na in the future ay tumakbo itong president.

 

 

Pero hindi pa pasok si Mayor Vico sa age requirement at siguro baka 12 years pa ang hihintayin bago makatakbo si Vico bilang presidente.  Hayaan na lang natin si Mayor Vico ang mag-decide kung may balak siyang tumakbong president in the future.

 

 

At any rate, nais naming batiin si Bossing Vic at si Madam Coney Reyes sa panalo muli ni Mayor Vico.

(RICKY CALDERON)