• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUNOG SUMIKLAB SA SCHOOL, BOTOHAN, NAANTALA

PANSAMANTALANG naantala ang botohan  sa isang eskuwelahan matapos sumiklab ang sunog sa Malate, Maynila kaninang umaga .

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nangyari ang sunog sa Aurora Elementary School sa Malate, Maynila.

 

 

Dakong alas-8:52 ng umaga nang sumiklab ang sunog at idineklarang fire out ganap na alas 9:04 ng umaga.

 

 

Nag-overheat na ceiling fan umano ang pinagmulan ng sunog na agad namang nakontrol ng BFP .

 

 

Dahil sa sunog, nagambala ang pagboto  dahil kailangang alisin ang mga vote counting machine (VCM) sa gusali.

 

 

Nagpulasan din ang mga nakapilang mga botante.(GENE ADSUARA)