Comelec sa international observers: ‘Hanggang obserba lang, ‘wag makisawsaw sa politika sa PH’
- Published on May 6, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa grupo ng mga international observers na bibigyan sila ng sapat na access habang nag-oobserba ng halalan dito sa Pilipinas.
Una nang hinarap ni Pangarungan ang mga dayuhang observers at ipinaliwanag sa kanila ang proseso ng pagboto sa Pilipinas at ang paggamit ng vote counting machines (VCMs).
Binigyan din ang mga ito ng pagkakataon na bomoto para sa demonstrations ng VCMs.
Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang Comelec sa mga international observers na sana naman ang mga ito ay mamantine ang kanilang pagiging impartial, sundin ang mga guidelines at walang kakampihang mga kandidato habang nag-oobserba sa kalakaran ng eleksiyon sa bansa.
“You shall have unimpeded access to the electoral process subject only to such conditions necessary for the protection of our Comelec personnel and property,” ani Pangarungan.