• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GAB iimbestigahan ang Casimero isyu

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Games and Amusements Board (GAB) ang kasalukuyang sitwasyon ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero matapos itong patawan ng parusa ng British Boxing Board of Control (BBBC).

 

 

Matapos malaman ang balita, agad na ipinag-utos ni GAB chairman Baham Mitra na simulan ang independent investigation upang makita kung tama ang desisyon ng BBBC.

 

 

Hindi na matutuloy ang laban ni Casimero kay Paul Butler matapos matuklasan ng BBBC na may nilabag na ‘medical guidelines’ ang Pinoy champion.

 

 

Ipinagbabawal ng BBBC na gumamit ng sauna ang sinumang boksingero bago ang official weigh in ng laban.

 

 

Isa ang sauna sa may malaking tulong para magbawas ng timbang.

 

 

“As the country’s pro boxing regulatory agency, we strongly condemn and discourage the commission of any illegal acts or violation of boxing rules. We will surely look into this and summon Mr. Casimero and his team to shed light on the issue,” ani Mitra.

 

 

Tanggal na si Casimero sa laban.

 

 

Sa halip, ipinalit si Jonas Sultan para harapin si Butler kung saan paglalaba­nan ng dalawa ang interim WBO bantamweight title.

 

 

Wala pang inilalabas na statement ang kampo ni Casimero.

 

 

Binigyan ito ng BBBC ng dalawang araw upang ipaliwanag ang kanyang panig.

 

 

Naghihintay din ang lahat sa magiging desisyon ng WBO kung tuluyan nang huhubaran ng korona si Casimero.