Pinay figure skater Sofia Frank nagtapos ng pang-22 sa 2022 World Junior Figure Skater
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTAPOS sa pang-22 si Filipina skater Sofia Frank sa 2022 World Junior Figure Skater Championship na ginanap sa Estonia.
Umabot sa 53.86 points ang kabuuang natamo ng 16-anyos na skater.
SA kanyang kabuuang 43 competitors ay mayroong 137 points ang kaniyang natamo na naging pang-22 ang puwesto nito.
Nagwagi sa nasabing torneo ang pambato ng US na si Isabeau Levito na mayroong kabuuang score na 206.55 na sinundan ni Shin Ji ng South Korea at pumangatlo si Lindsay Thorngren ng US.