“Full fuel subsidy” para sa Agri sectors, hiling
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
MULING nanawagan ang grupong Anakpawis na “full fuel subsidy” na nagkakahalaga ng P15,000 sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang pahayag ng grupo ay kasunod na rin sa panobagong pagtaas sa presyo ng gasoline na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis simula ngayong Martes Abril 19, na ika-13 increase ngayon taon.
Sinabi ni Rafael Mariano, Anakpawis National Chairperson na maraming magsasaka at magingisda ang hindi pa nakakatanggap sa ipinangakong fuel subsidy ng gobyerno.
Tinukoy ng dating agrarian reform secretary ang P500 million fuel subsidy ng Department of Agriculture (DA), na sumasakop lamang sa 5% o 79,000 ng total registered na mangingisda at 87, 000 corn farmers sa bansa.
Marami aniyang mangingisda ang napilitang tumigil dahil sa mataas na presyo ng krudo. Malaki rin ang lugi na dinaranas ng mga magsasaka.
“Even by government’s account, there are about 1.7 million registered fisherfolks on its registry system. But only 79, 000 will be able to receive this fuel assistance which is not only realistically insufficient, but remains elusive until now,” ani Mariano.
Batay sa pag-aaral ng fishers’ group Pamalakaya, sinabi ng Anakpawis na ang maliliit na mangingisda na regular na kumukunsumo ng 10 liters ng diesel kada biyahe ay kailangang maghanda ng P650 bawat fishing trip dala na rin sa halaga ng diesel na P65 per liter, o total P10,400 kada buwan para sa 16 na fishing trips.
Inihayag pa ni Mariano na ang masasakop ng P15,000 production subsidy ang dalawang buwan na fuel expenses ng maliliit na mangingisda kung naipamahagi ito ng maaga. (ARA ROMERO)