• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Booster shot, gagawing requirement sa trabaho

PINAG-AARALAN ng Department of Health (DOH) kung kailangang gawing requirement na rin ang booster shot ng COVID-19 vaccines para makapasok sa trabaho ang isang empleyado bukod sa ‘primary vaccine’.

 

 

Ito ay kung maaaprubahan ang panukala na isa ang booster shot sa pangunahing serye ng bakuna kontra sa virus na kasalukuyang isa hanggang dalawang shot lamang ng bakuna, depende sa brand.

 

 

“Pinag-aaralan natin ‘yan. We recognize that boosters are very important,” sabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

 

 

Tinitingnan na rin kung kailangang magpalabas ng bagong vaccine card na kasama na ang ‘booster shot’ sa primary series ng bakuna, na ipakikita sa kanilang trabaho o mga establisimyento.

 

 

“We may encourage the need for a booster dose so baka kailangan ng booster card,” dagdag ni Cabotaje. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)