PRAYER RALLY SA COMELEC, GINAWA
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Fr.Robert Reyes ang prayer rally kasama ang ilang grupo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila ngayong Miyerkules upang ipagdasal na maisagawa ng mga nakaupo ang patas at malinis na halalan sa Mayo 9.
Partikular na ipinagdasal ni Fr. Reyes kasama si Fr. Flavie Villanueva at mga miyembro Urban Poor Associates (UPA) na magabayan ang Comelec , maging ligtas at mailayo sa anumang anomalya tulad ng pandaraya, pagbebenta ng boto, panlilinlang at pagkilng sa mga makapangyarihang kandidato.
Ipinagdasal din ng running priest na magawa ng mga komisyuner at kanilang mga kawani ang kanilang trabaho ng maayos nang walang pagkiling sa kandidato dahil sila ang pinaka-importanteng sangay ng pamahalaan ngayong eleksyon.
Umaasa rin ito na mangunguna ang Comelec na madepensahan at maingatan ng Comelec ang mga balota at proseso sa gagawing halalan gwyundin ang pagbibilang ng boto.
Hiniling din ng Pari sa lahat ng Pilipino na ipagdasal ang nalalapit na eleksyon upang magkaroon ng pangulo na siyang tutulong upang maiahaon sa kahirapan, korupsyon, karahasan at pansariling interes sa pulitika ang ating bansa. (GENE ADSUARA )