COVID-19 VACCINE SA LRT STATION
- Published on March 8, 2022
- by @peoplesbalita
MAKAKATANGGAP na ng COVID-19 vaccines ang publiko sa Antipolo station ng Light Rail Transit Line 2 simula araw mula Lunes hanggang Sabado.
Inanunsyo ng LRTA nitong Linggo ang pinalawig na iskedyul habang pinapataas nito ang immunization drive nito sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod ng Antipolo.
Dati, ang vaccination site sa istasyon ay operational lamang mula 8;30 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon tuwing Miyerkules at Biyernes.
Idinagdag ng LRTA na maaari ring mabakunahan ang mga komyuters sa Cubao station nito mula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon tuwing Lunes simula Marso 7.
Samantala,ang Recto vaccination site nito ay nanatiling bukas tuwing Martes at Huwebes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5.
Para higit pang maisulong ang mas ligtas na Sistema ng pampublikong transportasyon, nagbibigay din ang LRTA ng libreng one-day unlimited pass sa mga makakakuha ng kanilang anti-COVID shot sa alinmang Line 2 vaccination site. (GENE ADSUARA)