• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakaka-relate dahil sa struggle na hinaharap ni ICE: LIZA, humanga rin sa katapangan ni JAKE na mag-post kahit bina-bash

KUNG marami ang nam-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya ng topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya.

 

 

Isa na nga sa masaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.

 

 

“I admire him and I laud him for celebrating his identity,” ani Liza nang makapanayam ng press sa mediacon for the upcoming 6th Film Ambassador’s Night.

 

 

Personally ay nakaka-relate si Liza dahil nakita rin niya ang struggle ng mister niyang si Ice at alam niyang hindi ganu’n kadali.

 

 

“Personal kong na-experience sa asawa ko ‘yung ano niya, ‘yung struggle pa rin niya to come to terms with who he is. Kasi, kahit ngayon, tanggap nating lahat na transman si Ice, ang tawag natin sa kanya ay Ice, nirerespeto na natin ‘yung pronoun niya, pero siya, ‘yung ‘pag gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita.

 

 

“So, nakikita ko ‘yung struggle na ‘yun kay Ice. So, for Jake to achieve that and be comfortable and happy, kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, dapat suportahan natin siya, especially, nandito tayo sa industry na sa bansa natin, hindi pa rin ganu’n kaluwag at ka-open ang pagtingin sa mga transmen,” pahayag ni Liza.

 

 

Natanong namin si Chair Liza kung nasaan na bang stage ng transition si Ice, inamin naman niya na may plano rin ang mister na na magpa-breast removal surgery.

 

 

“’Yung usapang magte-testosterone (masculinizing hormone theraphy) ba siya para sa transition, it’s being discussed pero wala pa kami talaga do’n.

 

 

Pero ‘yung gusto niya ring magpa-surgery (breast removal), okay na kami do’n. Pine-prepare na lang namin ang tamang budget para magawa namin,” ani Chair Liza.

 

 

“We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka ma-inspire siya kay Jake. And I know that he’s very, very happy for Jake,” dagdag pa niya.

 

 

***

 

 

HINDI na naman dumalo si Xian Lim sa press preview ng Bahay na Pula.

 

 

Ito ang ikalawang pagkakataon na absent si Xian sa promo ng pelikula niya kahit na siya ang bida.

 

 

Hindi siya dumalo sa presscon ng Yorme kung saan he played the role of Mayor Isko Moreno.

 

 

Ano kaya ang dahilan ni Xian sa hindi niya pagsipot sa promo ng movies niya?

 

 

Masyado ba siyang busy kay Kim Chiu kaya di siya makadalo sa presscon?

 

 

Bilang artista, parte ng trabaho ni Xian na i-promote ang mga movies niya. Pero bakit kaya ‘di niya ito magawa?

(RICKY CALDERON)