• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:30 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, handa ng ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers —DBCC

HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers.

 

 

Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor.

 

 

Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga Kalihim ng Finance, Budget, at Socioeconomic Planning— ay nagpahayag na mahigpit nilang mino-monitor ang mga dahilan na nakakaapekto sa presyo ng langis sa bansa.

 

 

Sinabi ng mga economic managers na handa na ang gobyerno na ipalabas ng pondo para tulungan ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers, magsasaka at mangingisda.

 

 

“To assist the transport sector, the government is preparing to release P2.5 billion for the Fuel Subsidy Program of the Department of Transportation (DOTr),” ayon sa DBCC.

 

 

“This aims to provide fuel vouchers to over 377,000 qualified PUV drivers who are operating jeepneys, UV express, taxis, tricycles, and other full-time ride-hailing and delivery services nationwide,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat, humiling na ang Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para ibigay na ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakayan sa harap ng tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na nakasaad sa kahilingan ng DOTr sa DBM, ang tinatayang 377,443 na benepisaryo para sa fuel subsidy na nakakahalaga ng tig-P6,500 o kabuuang P2.45 bilyong pondo.

 

 

“Bukod sa franchise grantees na traditional at modern PUV, isasama na rin ang Public Utility Bus (PUB), Minibus, Taxi, UV Express, Transport Network Vehicle Service (TNVS), Tourist Transport Service (TTS), maging ang mga tricycle na pinangangasiwaan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Delivery Services sa Department of Trade and industry (DTI) at Department of Communications and Technology (DICT),” ayon sa LTFRB.