• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:26 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP naghahanda sa Alert Level 1

PINAGHAHANDA na ni (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng commander sa National Capital Region (NCR) sa posibleng pagpapatupad ng Alert Level 1 status bunsod na rin ng rekomendasyon ng Metro Manila Mayors simula Marso 1.

 

 

Ayon kay Carlos, kasama sa paghahanda ay ang pinalakas na police visibility upang matiyak na nasusunod pa rin ang health safety protocols sa gitna ng inaasahang pagdami ng mga taong papasok at lalabas ng Metro Manila.

 

 

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila at nakatakdang magpulong kahapon ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa rekomendasyon.

 

 

Bagama’t maraming sektor ang posibleng magbukas, sinabi ni Carlos na patuloy pa rin ang implementasyon ng minimum public health standard.

 

 

Aniya, ang pagbaba ng alert status, kung maaprubahan, ay magsisilbing paalala sa publiko sa unti-unting paglipat sa bagong normal na set-up.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 1, walang age restriction para sa mga babiyahe sa pampublikong lugar kabilang ang interzonal travels, ngunit napapailalim sa mga panuntunan ng local government unit.

 

 

Asahan ding dadami ang tao sa lansangan kaya kailangan pa rin ang pag-iingat. (Daris Jose)