MARCH 1, DEADLINE SA MGA DAYUHAN NA MAGPA-FILE NG AR
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro sa ahensiya na mayroon na lamang hanggang March 01 upang mag-file ng kanilang 2022 annual report (AR).
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi katulad noong nakaraang taon na nagbigay ang kagawaran ng extension, ngayong taon ay hindi na ito magbibigay ng anumang extension ang kagawaran base sa nakasaad sa alien registration act na kinakailangan nilang mag-report “in person” sa ahensya sa loob ng 60 days kada calendar year.
Dagdag pa ni Morente na papatawan ng sanctions, kabilang ang multa at deportation ang hindi susunod kaya pinapayuhan nito ang lahat na hindi pa nag-file na kumuha ng slot para sa BI’s online appointment system.
Sa ilalim ng patakaran, ang lahat ng foreign nationals na rehistrado sa BI at may hawak na of immigrant at non-immigrant visas ay obligadong sumundo sa annual reportorial requirement.
Sa mga magpa-file, kinakailangan nilang ipakita ang kanilang original alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) at valid passport.
Exempted na personal na pumunta sa kagawaran ay mga dayuhan na may edad 14 pababa at 65 pataas, gayundin ang buntis, PWDs at mentally and physically incapacitated.
Bukod sa punong tanggapan sa Intramuros Manila maaari din silang magtungo sa iba’t ibang field, district, satellite at extension offices ng ahensya nationwide. (GENE ADSUARA)