Gobyerno ng Pinas, nagpaabot ng tulong sa mga OFWs sa HongKong na tinamaan ng Covid-19
- Published on February 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong, sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-positibo sa COVID-19.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang POLO ang siyang agarang nagbigay sa mga OFWs ng pagkain, hygiene kits at power banks para hayaan ang mga ito na makapag-communicate habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection at HK Labour Department.
Idagdag pa rito, nakikipag-ugnayan naman ang POLO sa non-government organization upang magbigay ng isolation facility para ma- accommodate ang ilang OFWs.
Nakikipag-ugnayan din aniya ang POLO sa HK Labour Department, kung saan nagtayo ng isolation facility para sa mga kababayang Filipino, pending admission sa quarantine facility, maliban pa sa pagbibigay ng transportation arrangements.
Nagbigay din ang POLO ng USD200 para sa “after care financial assistance to those who recovered from COVID-19.”
“Of our 28 kababayans in Hongkong who tested positive for COVID-19, as of February 19, 2022, five have already recovered, and 3 of whom are back to their respective employers,” ayon kay Nograles.
Samantala, magbibigay naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng USD200 para sa bawat COVID-positive OFW. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)