• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PUGANTENG DAYUHAN, INARESTO SA TELCO FRAUD AT ECONOMIC CRIMES

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted sa telecom fraud at isang Chinese national na kinasuhan ng economic crimes sa kanilang bansa.

 

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang South Koreans na sina Kim Changhan, 25, at Kim Junhee, 38, matapos maaresto ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) sa magkahiwalay na operasyon sa Makati City at  Porac, Pampanga.

 

 

Habang kinilala ang babaeng Chinese na si Zhang Yujie, 51, na naaresto ng  mga operatiba ng BI-FSU sa Mandaluyong City.

 

 

Ayon sa BI Chief na ang dalawang South Koreans ay mayroon nang summary deportation orders na inisyu laban sa kanila noong pang 2019 at 2020 dahil sa pagiging undesirable aliens.

 

 

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, na ang deportation order laban kay Kim Changan ay bunsod sa warrant of arrest na inisyu ng Seoul Central District Court noong October 2020 habnag nahaharap naman ng warrant si Kim  Junhee  na inisyu ng Seoul Nambu District Court noong July 2019.

 

 

Nakasama rin ang kanilang pangalan sa red notices na inisyu ng nterpol  matapos na lumabas ang kanilang arrest warrant .

 

 

Sa impormasyon ng Interpol’s national central bureau (NCB) sa  Manila na si Kim Changan ay ang leader umano ng  sindikato ng telecom fraud  sa  Sandong-sung China na sangkot sa voice phishing upang maloko ang halos 63 million won o US$53 million ang kanilang mga biktima.

 

 

Ayon pa sa NCB , si Kim Junhee ay miyembro din ng  sindikato ng  telecom fraud sa Tianjin, China na nakapanloko din sa kanyang mga biktima ng halos 110 million won o US$92 million.

 

 

Habang si Zhang ay sangkot naman sa Economic crime kaya hiniling ng Chinese authorities ang kanyang deportasyon. (GENE ADSUARA)