DEL ROSARIO BIDA NG FLORIDA GOLF
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
TINAKPAN ni Pauline Beatriz Del Rosario ng apat na birdie ang isang double bogey at apat ding bogey para pamayagpagan ng isang palo ang 2022 East Coast Women’s Pro Golf Tour Leg 4 $60K Mayfair Country Club Women’s Championship sa MCC sa Sanford, Florida nitong Huwebes.
Kinasahan ng 23-taong-gulang at tubong Las Piña sang napakalakas na upang maisalba sa front nine ang even-par 35 at two-over 38 pa-73 at 210 aggregate sa one-stroke win kay local entry Jimin Jung (74-211) at isubi ang gantimpalang $10K (P513K).
Bago ang tagumpay, sumalo sa tersera si Del Rosario sa Leg 1 Dare The Bear Women’s Championship sa Colorado noong Enero 17-19, pumang- 13 sa Rio Pinar Orlando WC sa Florida nu’ng January 26-28 at pumanlima sa Red Tail WC sa Florida pa rin nitong Pebrero 7-9.
“My swing and feel are getting to where I want it to be,” lahad ng Pinay golfer, sa panalong pampalakas loob para sa sasabakang 42nd Epson Tour 2022 (dating Symetra Tour) sa susunod na buwan. “I wanted to win but I didn’t really expect it.”
Ito na rin ang pangalawang korona niya sa United States makalipas ang sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 Leg 5 WLN Central Arkansas Open sa noong Mayo. (REC)