Dahil may ‘something’ na sila ni RAYVER: JULIE ANNE, in-unfollow na ni JANINE sa kanyang Instagram at Twitter account
- Published on February 17, 2022
- by @peoplesbalita
ANG pagiging mas lalong malapit nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya ang dahilan kung bakit ini-unfollow na raw ni Janine Gutierrez si Julie sa Instagram at Twitter account nito?
Nalaman namin na naka-unfollow na si Janine kay Julie dahil sa mga tila imbestigador na mga fans. Sila ang nakapansin na naka-unfollow na nga raw si Janine.
Upon checking, kumpirmado ngang hindi na pina-follow ni Janine si Julie pero ang huli, naka-follow pa rin sa social media ng ex-girlfriend ni Rayver.
Eh, sa latest Instagram post ni Julie kunsaan, nakasakay ito sa jetski at nagpasabog na naman ng kaseksihan niya habang naka-two-piece, isa si Rayver sa nag-comment na Japanese characters nga lang at may emoji ng spider sa dulo.
Nag-reply si Julie na, “Toasted spidey” at laugh emoji sa comment ni Rayver at ‘di pa do’n natapos. Humirit pa si Rayver ng “hahaha limitless” na sinagot ni Julie na, “limitless patatas.”
Sa isang banda, kung totoo nga ang balita na sina Julie at Rayver na ngayon, wala naman kaming nakikitang problema dahil break na naman sina Rayver at Janine at ang huli rin ang nabalitang nakipag-break.
Si Janine naman, balita namang may something with Paulo Avelino.
***
HINDI raw napapansin ni Mikael Daez na kahit 12 taon na siyang Kapuso at ilang shows na rin ang naging host siya, ang bago niyang show sa GMA-7 na The Best Ka! pa lang pala ang una niyang full show talaga.
At finally, pinagkatiwalaan na nga siya ng sarili niyang buong show.
“I guess at first, nagulat ako, pati si Megan (Young), hindi ko naiisip na o, wala pa ‘kong show. Kasi, I host, I work.
“So, na-realize lang namin no’ng may nakapagbanggit sa amin na first full show mo ‘to. Ha? Oo nga ‘no, so natuwa ako. And I think, every project naman sa GMA is a blessing.
“Kasi, pinagkakatiwala naman sa akin ng GMA.”
Love of My Life pa ang huling show ni Mikael sa GMA, two years ago pa. Pero hindi raw nagkuwestiyon si Mikael sa network dahil inamin nito na natakot din sila ni Megan sa COVID-19.
At si Megan din ang pilot guest ni Mikael sa The Best Ka. Nang matanong naman kung kailan kaya makikita ang little Mikael o little Megan, sey na lang niya, “baka one of these days, magulat na lang tayong lahat. Don’t worry, pati ako mag–uulat, promise.”
***
MAGKAKASUNOD ang selebrasyon nina Heart Evangelista at ng mister niya na si Governor Chiz Escudero.
Kaya pala pinapababa na ni Heart si Chiz sa reply nito sa Instagram anniversary message at aalis na raw sila.
Nag-post si Heart kunsaan ay nagpunta sila ni Chiz sa kunsaan daw sila nag-start ni Chiz, seven years ago.
At may assurance ito kay Chiz na para rito, wala na siyang mahahanap pang iba na katulad ng Mister niya.
Aniya, “Happy Anniversary to the best husband anyone could ask for. Whenever I tell people that I don’t think I’ll be able to find anyone like you, I mean it with all my heart. You’re the only one for me, my best friend and my one true love!”
Nagpasalamat din si Heart kay Chiz sa mga naituturo raw sa kanya.
“Thank you for all the wisdom you have taught me, for being a good father and a great partner to me. I thank God for you and the way you hold my hand in every step of the way. I’ll always be here right by your side.
“Cheers to 7 years and a lifetime more of our story!”
(ROSE GARCIA)