• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA

IBINASURA  ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules.

 

 

Sinabi ng Comelec second division na walang  misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa.

 

 

Si Julieta Pearson, na naghain ng petisyon, ay nagsabing siya ang legal na asawa ng broadcaster.

 

 

Sinabi ni Inting na ibinasura ng second division ang kaso dahil kung sino man ang asawa ng isang kandidato ay hindi materyal sa kung maaari silang tumakbo sa pwesto.

 

 

Nanguna si Tulfo sa pre-election survey para sa senatorial aspirants na isinagawa ng Pulse Asia noong Enero, kung saan 66.1 porsyento ng mga respondent ang nagsasabing Siya ay iboboto nila. (GENE ADSUARA)