Dating ‘exes’ ni Mega, parehong president ang role: Serye nina SHARON at GABBY, hindi sinasadya pero nagkatapat
- Published on February 15, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI sinasadya pero magkatapat ang mga shows nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Kasama si Sharon sa cast ng longest-running action serye na FPJ’s Ang Probinsiyano sa Kapamilya Network while nag-premiere naman kagabi sa GMA 7 ang First Lady, ang Book 2 ng successful series na First Yaya, kung saan lead actor naman si Gabby.
Nagkatapat na before ang FPJ’s Ang Probinsyano at First Yaya. Pero this time ay iba ang complexion ng tapatan dahil nasa cast ng FPJAP si Sharon.
Siya ang gumaganap na anak ni Don Ignacio (Tommy Abuel) at ex-gf ni President Oscar Hidalgo (played by Rowell Santiago).
Incidentally, presidente rin ang role ni Gabby sa First Lady. He is playing President Glenn Acosta.
As if by coincidence, parehong nagkaroon ng kaugnayan kay Sharon in real life sina Rowell at Gabby. Tapos pareho president ang roles nila in their respective teleseryes.
Siyempre masaya ang cast ng First Lady dahil balik-TV na ang top-rating teleserye.
Meanwhile, sa current takbo ng kwento, hindi pa nagkikita muli sina Aurora (Sharon) at Oscar (Rowell) since sila ay nagkahiwalay dahil kay Don Ignacio.
Hindi pa rin nagkikita sina Cardo at President Oscar.
To be fair sa writers ng FPJAP, updated ang kwento nila dahil may upcoming presidential elections din sa takbo ng kwento.
At may presidential debate din sa pagitan ni Madame Lily Hidalgo at Renato Hipolito.
***
NAKABABALIK naman ang experience ng isang producer sa isang newbie actor.
Pumirma si newbie actor ng contract for a digital series. Dumalo sa script reading, meetings, scene per scene discussion. Tapos na rin ang promo shoot.
Tapos a week bago ang lock-in shooting, bigla na lang nag-backout sa project and the height, sa Facebook messenger lang nagpaalam sa director.
Nang tawagan ito ng director, bigla itong nag-breakdown and sinabi na hindi siya okey. Mayroon siyang problema.
Umalis ang newbie actor para magmuni-muni. At para mag-Tiktok. Nangako sa production team na babalik siya para mag-explain. Pero hindi ito nangyari. Nawala na lang parang bula ang newbie actor.
Nasayang ang one month preparation. Yung mga nasa staff, crew at iba pang involved sa production na nag-block off ng supposedly shooting dates, ang ending nakatunganga.
Hindi na lang nagdemanda ang director pero umaasa siya na magiging maganda para sa kanyang team ang year 2022.
***
NAKATUTUWANG malaman na patuloy pa rin si Gretchen Barretto sa pamimigay ng bigas, hindi lang sa mga kakilala niya sa showbiz kundi pati sa mga ordinaryong mamamayan.
Kahapon ay mga security guards at admin staff ng Forbes Park at Dasmarinas Village sa Makati City ang kanyang binigyan ng bigas.
Siguro kung kandidato si Gretchen ay malamang maraming boboto sa kanya. Patuloy siya sa pamimigay ng bigas sa iba’t-ibang tao, kasama pa ang ibang frontliners sa mga ospital.
At wala siyang pinipili na bigyan. Everybody is welcome. Kaya patuloy din ang pagdating ng blessings sa kanya.
(RICKY CALDERON)