LTFRB: Walang magaganap na pagtaas ng pamasahe
- Published on February 11, 2022
- by @peoplesbalita
MULING idiin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang mangyayaring pagtaas ng pamasahe ngayon panahon ng pandemya kahit na tumataas ang presyo ng produktong gasolina.
Naghain ng petition sa LTFRB ang mga drivers ng public utility vehicles (PUVs) para sa pagtaas ng pamasahe dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa loob ng magkakasunod na anim (6) na linggo.
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na nagaalinglangan ang Department of Transportation (DOTr) na pagbiyan ang petisyon na inihain ng mga drivers dahil siguradong mahihirapan ang mga pasahero.
“What we are doing is we’re addressing the concerns of transport operators without having much more negative impact on commuters. We are looking at another round of financial assistance to help PUV drivers and operators to cope with higher fuel prices,” wika ni Delgra.
Noong nakaraang Martes, ang mga kumpanya ng mga langis ay nagtaas ng presyo sa loob lamang ng sunod-sunod na anim na linggo. Tumaas ang gasoline ng P1.05 kada litro at ang diesel naman ay tumataas ng P1.20 kada litro, samantalang ang kerosene ay tumaas ng P1.25.
Sa kabilang dako naman, inutusan ng LTFRB ang ES Consortium na magpaliwanang kung bakit ang mga drivers at conductors ay hindi pa nabibigyan ng kanilang sayod na umabot na ng P20 million. Isa ang ES Consortium sa mga nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero sa EDSA Carousel.
Sinabi ni Delgra na nakapagbigay na ng P1.6 billion para sa mga sahod at sweldo ng mga drivers at conductors ang pamahalaan sa ilalim ng programang “Libreng Sakay” para sa EDSA Carousel.
“The agency disbursed P672.69 million to ES Consortium while Mega Manila Consortium received P559.52 million under the DOTR’s service contracting program, which aimed to help transport workers affected by the pandemic,” saad ni Delgra.
Ang Mega Manila Consortium ay nakapagbigay na ng mga sayod at sweldo sa kanilang mga drivers at conductors samantalang ang ES Consortium ay nanatiling walang binibigay na sahod at sweldo.
Naghain na ng formal complaint ang mga drivers at conductors ng ES Consortium sa Department of Labor and Employment (DOLE).
“The employer should be the one answerable here as the LTFRB could not intervene in labor issues of their company,” dagdag ni Delgra.
Mariin naman na tinangi ni Delgra ang alegasyon na ang LTFRB ay nakikipagsabwatan sa mga transport consortium kung kaya’t hindi nababayaran ng sahod ang mga drivers at conductors.
Sinabi naman ni LTFRB executive director Kristina Cassion na hindi nila mapipilit ang mga transport operators na magbayad ng sweldo at ang kanila lamang magagawa ay mabigyan ng kaukulang sanctions ang mga ito.
Inamin naman ng ES Consortium kung bakit naaantala ang pagbibigay ng sahod sa mga drivers at conductors at ayon sa kanila ito ay dahil na rin sa pabago-bago ng alert level status sa Metro Manila at ang pagkakaron ng bureaucracy sa loob ng consortium. LASACMAR