Tagumpay ng Pinas laban sa COVID-19, masyado pang maaga para ideklara-Nograles
- Published on February 7, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang Malakanyang na ideklara ang pagkapanalo ng bansa laban sa coronavirus (COVID-19) pandemic.
Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, marami pang tao sa bansa ang hindi pa nababakunahan.
Ang pahayag na ito ni Nograles ay kasunod ng ulat na ang Kalakhang Maynila, epicenter ng infections ay nasa moderate risk na ngayon.
Ani Nograles, hindi pa ito ang tamang panahon para ideklara ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa pandemiya.
Nauna rito, inanunsyo kasi ng Malakanyang ang pagpapaluwag sa COVID-19 restrictions sa bansa partikular na ang kamakailan lamang na pagbabago sa protocols para sa returning overseas Filipinos at arriving foreigners.
“Maaga pa rin para magdeklara ng lubos na tagumpay kontra COVID-19,” anito.
Matatandaang sinabi ng World Health Organization (WHO) na “It is premature for any country to declare victory.” (Daris Jose)