Panukalang pagpapakita ng booster card bago makapasok sa mga establisyemento sa MM mahirap gawin
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
SA KASALUKUYAN ay mahirap gawin ang isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na gawin na ding requirement ang pagkakaroon ng booster card sa NCR.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni infectious disease specialist Dr Edcel Salvana na malayo pa ang bansa sa senaryong marami na ang nakatanggap ng booster shot.
Bukod pa sa marami pa rin ang dapat na makatanggap ng primary doses.
Giit ni Salvana, kailangan na manatiling pokus muna at otomatikong kasunod naman nito ay ang pagbibigay ng booster para sa mga nakatanggap na ng primary doses ng bakuna.
Hindi pa napapanahon sabi ng eksperto na gawin ang panukalang no booster card, no entry policy sa mga establishments
Gayung di pa nga maituturing na marami na ang nabigyan na ng third dose . (Daris Jose)