PDu30, bumisita sa Cardinal Santos Medical Center
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na bumisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan para lamang sa kanyang routine medical check-up.
Hindi naman malinaw kung may kinalaman ang pagbisita ng Pangulo sa nasabing ospital matapos na ma- exposed siya kamakailan lamang sa kanyang household staff na nagpositibo sa COVID-19.
Kaagad namang ginawan ng COVID-19 test ang Pangulo.
Sa kabila ng nag-negatibo ang resulta ng Covid 19 test ng Pangulo ay kasalukuyan pa rin siyang naka- mandatory quarantine protocols.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang huling araw ng exposure ng Pangulo sa COVID positive case ay noong nakaraang Linggo, Enero 30, 2022.
“His RTPCR Negative test result was last Monday, January 31, 2022, and tested negative again for the second time on Tuesday, February 1, 2022,” ayon kay Nograles.
Ang Chief Executive ay patuloy na nagta-trabaho habang naka- quarantine, at patuloy ang komunikasyon sa mga miyembro ng gabinete upang tiyakin na ang mga “urgent matters” ay natutugunan.
Bukod pa sa, para ma-monitor ang implementasyon ng kanyang mga direktiba partikular na hinggil sa COVID-19 response ng gobyerno. (Daris Jose)