• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘No vax, no ride’ sa Metro Manila, tigil muna – DOTr

SIMULA Pebrero 1, ay pansamantalang ititigil ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

 

 

Kasunod na rin ito nang pagsasailalim na ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2, simula Pebrero 1 hanggang 15.

 

 

Nangangahulugan ito na hindi na kakailanganin pa ng mga commuters sa capital region na magpakita ng vaccination cards o katibayan na bakunado na sila sa COVID-19 para makasakay sa mga pampublikong transportasyon.

 

 

Once we de-escalate to Alert Level 2, the no vaxx, no ride policy shall automatically be lifted,” ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

 

 

Una nang sinabi ng DOTr na ang polisiya ay iiral lamang kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3 at pataas.

 

 

Bukod sa Metro Manila, isasailalim na rin sa Alert Level 2 ang mga lalawigan ng Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan. (Daris Jose)