• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:55 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 14 top most wanted person ng Malabon, kalaboso

SINILBIHAN ng mga awtoridad ng warrant of arrest ang isang 18-anyos na tinaguriang No. 14 top most wanted person ng Malabon City habang nakapiit sa Malabon Police Station Custodial Facility makaraang masangkot sa panggugulo at makuhanan ng patalim.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Aaron Jerry Orlino, 18 at residente ng E-3 Brgy., Longos.

 

 

Ayon kay Col. Barot, unang naaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pamumuno ni PLT Mark Cyrus Santos si Orlino dahil sa paglabag sa Alarm and Scandal at BP 6 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines noong January 24, 2022 dakong alas-12:05 ng hating gabi sa Maya Maya  St., Brgy. Longos.

 

 

Dito, napag-alaman ng pulisya na may warrant of arrest si Orlino na dalawang Attempted Murder at isang Frustrated Murder kaya’t nasa No. 14 TMWP siya ng lungsod.

 

 

Dakong alas-8:15 ng gabi nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PEMS Gilbert Bansil at SS-5 sa pangunguna ni PLT Santos, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Presiding Judge Rosario Gomez Inez-Pinzon ng RTC Branch 290, Malabon City noong December 15, 2021 para sa kasong Attempted Murder at Frustrated Murder kontra sa akusado sa Malabon Police Custodial Facility na may i-nirekomendang piyansa na Php. 200,000 at Php 72,000 respectively.

 

 

At warrant of arrest na inisyu naman ni Hon. Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo, Family Court Branch 4, Malabon City noong July 12, 2021 para sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php.120,000. (Richard Mesa)