Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba pa sa 0.50 – OCTA
- Published on January 31, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA pa sa 0.50 ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA Research group, mas bumaba pa ito sa 0.63 reproduction number noong Miyerkules sa rehiyon.
Ang reproduction number na mababa sa bilang na 1 ay nagsasaad na ang hawaan ng COVID-19 ay bumababa na.
“The downward trend has slowed in the past four days but new cases still tracking below Jan 20 projections. Public must continue to comply with health protocols” pahayag ni Dr. Guido david, ng OCTA Research.
Aniya nitong nagdaang Biyernes ay nakapagtala na lamang ang NCR ng 2,256 na bagong kaso ng COVID-19, pinakamababa mula December 31, 2021 nang magsimulang umatake ang Omicron virus sa bansa.
“The downward trend has slowed in the past four days but new cases still tracking below Jan 20 projections. Public must continue to comply with health protocols” pahayag ni Dr. Guido david, ng OCTA Research
Aniya nitong nagdaang Biyernes ay nakapagtala na lamang ang NCR ng 2,256 na bagong kaso ng COVID-19, pinakamababa mula December 31, 2021 nang magsimulang umatake ang Omicron virus sa bansa. (Gene Adsuara)