Magsayo-Russell rematch ok kay Roach
- Published on January 29, 2022
- by @peoplesbalita
PABOR si American trainer Freddie Roach na muling makaharap ni reigning World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark Magsayo si Gary Russell Jr. sa isang rematch.
Ito ay sa kabila ng atas ng WBC na depensahan ni Magsayo ang titulo nito laban kay Mexican undefeated fighter Rey Vargas.
Wala pa namang pormal na petsa at venue ang laban.
Subalit kung si Roach ang tatanungin, nais nitong bigyan ng pagkakataon si Russell na muling makaharap si Magsayo at ilabas ang kanyang tapang sa oras na gumaling na ito sa kanyang shoulder rinjury.
“I would never turn down a (Magsayo-Russell) rematch,” ani Roach sa panayam ng Boxing Scene.
Nagtamo si Russell ng injury sa laban nito kay Magsayo na napagwagian ng Pinoy pug noong Linggo sa Atlantic City, New Jersey.
Posibleng sumailalim sa operasyon si Russell at mangangailangan ito ng ilang buwang pahinga bago muling sumalang.
“But the thing is, we would do it if he was more active of a fighter and so forth, and we could count on it happening not in two years, sooner,” ani Roach.
Malaking dagok din kay Russell ang dalawang taon nitong pagkakatengga dahilan upang mangalawang ito sa laban.
“He has taken two years off twice now and I think down time is the worst thing in the world for fighters. And it showed in his performance (Saturday night) – it really did. Activity is the best thing for fighters,” ani Roach.