COVAX scheme humiling ng $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
HUMILING ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa.
Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan.
Naabot kasi ng Covax ang bilyon na bilang ng bakuna ang naibigay sa mga bansa noong nakaraang taon matapos na tumaas ang demand ng bakuna noong Nobyembre at Disyembre.
Kasama kasi ng Gavi ang World Health Organization (WHO) na nangunguna sa COVAX scheme.
Biden naniniwalang itutuloy ni Putin ang pagpasok sa Ukraine
Naniniwala si US President Joe Biden na papasukin ng Russia ang Ukraine.
Sa kanyang talumpati bilang isang taon sa panununkulan, sinabi ng US President na maaaring ituloy ni Russian President Vladimir Putin ang pagpasok sa Ukraine.
Subalit hindi aniya magsasagawa ng malawakang pag-atake.
Kasabay din nito ay binalaan ni Biden ang Russia na may katapat na kabayaran sakaling maghasik ng kaguluhan ang Russia sa Ukraine.
Magugunitang itinanggi ng Russia na lulusob sila sa Ukraine kahit na naglagay na ng mahigit 100,000 mga sundalo nila sa border ng Ukraine.