US at Canada naghahanda na sa pagtama ng snow storm
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
MARAMING flights ang nakansela at maraming residente ng US at Canada ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa banta ng winter storms.
Nagdeklara na rin ng state of emergency ang Virginia, Georgia, North at South Carolina dahil sa nasabing sama ng panahon.
Babala ng US National Weather Service (NWS) na tatamaan ang malaking bahagi sa silangan parte ng bansa sa darating na dalawang araw.
Inaasahan kasi ang pagdating malaking yelo na lubhang delikado sa mga motorista.
Nagbabala rin sila ng posibleng pagbaha sa ilang lugar gaya ng New York, Connecticut at ilang kalapit na lugar nito.