• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tan pinagpapaliwanag ng GAB

Pinagpapaliwanag ng Games and Amusements Board (GAB) si Glutagence head coach Justin Tan sa umano’y hindi pagbabayad sa ilang players nito na nag­laro sa Women’s National Basketball League.

 

 

Nagpadala na ng sulat ang GAB na pirmado ni GAB Pro Sports Division chief Dioscoro Bautista para hingan ng paliwanag si Tan.

 

 

Mayroon lamang hanggang Enero 20 si Tan para sagutin ang sulat ng GAB.

 

 

“The players have not heard anything about the unpaid wages and they were only given in total, 1.5 months equivalent of salary,” ayon sa sulat ng GAB.

 

 

Nauna nang ipinaalam ng WNBL ang naturang problema sa GAB noon pang Nobyembre.

 

 

Kaya naman nagpasya ang WNBL na ipataw ang ban kay Tan.

 

 

“This is to inform your good office that the National Basketball League-Pilipinas Inc. (NBL) operating under the style and name of Women’s National Basketball League (WNBL) has perpetually banned Justin Anthony Tan from participating in the league’s activities,” ayon sa sulat ng WNBL sa GAB.

 

 

Nais din ng WNBL na kanselahin ng GAB ang lisensya ni Tan.

 

 

Kaya naman nagsimula nang gumawa ng aksyon ang GAB para masolusyunan ang problema.

 

 

Wala pang statement ang kampo ni Tan.