• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN

NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang asawa na si Ruel Samano, ay isinugod ng rumesponding Navotas City ambulance sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot.

 

 

Nakapiit ngayon ang driver ng Isuzu wing van (WIA-245) na kinilalang si Rodelio Lopez, nasa hustong gulang at residente ng No. 383 M CeƱidoza St. Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal.

 

 

Sa report ni traffic police investigator P/SSgt. Boy PeƱaranda kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang sakay ang mga biktima sa isang bisikleta at tinatahak ang southbound direction ng C-3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran dakong alas-8:15 ng gabi nang mula sa likod ay sinalpok sila ng isang Isuzu wing van na minamaneho ni Lopez.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa sa bisikleta at bumagsak sa sementadong kalsada habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Lopez matapos ang insidente.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property ang isinampa kontra kay Lopez sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)