• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bata Reyes dadayo sa Amerika

Muling ilalabas ni le­gendary cue master Efren “Bata” Reyes ang mahika nito sa isang US tour na idaraos sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.

 

 

Nakalinya na ang mga gagawin ni Reyes sa oras na tumuntong ito sa Amerika.

 

 

Una na ang pagdayo nito sa Red Dragon Billiards Club and Training Center sa Harvard, Masachusetts sa Enero 15.

 

 

Mananatili naman ito ng dalawang araw sa Maine sa Enero 16 (American Pool & Billiards sa Portland) at Enero 17 (TJ’s Classic Billiards sa Waterville) kung saan makakasagupa nito si Mike Dechaine sa exhibition games.

 

 

Ang huling araw ng tour ni Reyes ay gaganapin sa Enero 19 sa Yale Billiards sa Wallingford kung saan makakaharap nito si Lukas Fracasso-Verner sa isa pang exhibition match.

 

 

Maliban sa exhibition games, posibleng sumabak si Reyes sa ilang torneong nakalinya sa Amerika.

 

 

Kabilang na rito ang Derby City Classic 2022 na magtatampok ng apat na events — ang 10-Ball, 9-Ball, Bank Pool at One Pocket na gaganapin sa Horseshoe Southern Indiana.

 

 

Ilang torneo rin ang lalaruin sa Pebrero gaya ng Wisconsin Open, Texas Open 10-Ball Championship, Jay Swanson Me­morial Tournament at Northeast 9-Ball Open.