• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DI BAKUNADO, DI PUWEDE SA MALLS SA MAYNILA

IPAGBABAWAL na sa Maynila ang mga hindi bakunado laban sa COVID-19 na pumasok sa mga malls.

 

Ito ay matapos ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa  Bureau of Permits  na abisuhan ang mga malls sa lungsod na huwag papasukin ang mga indibidwal na hindi bakunado kontra Covid-19.

 

Sinabi ng alkalde na hndi makakapasok sa loob ng malls sa lungsod kung walang maipapakitang mga vaccine card .

 

Magiging patakaran din aniya ito pagdating sa mga pampublikong sasakyan subalit ipinaubaya na nito kay MMDA Chairman Benhur Abalos ang pag bibigay ng karagdagang detalye.

 

Umaasa naman ang alkalde  na tatalima ang mga mall managers sa kanyang polisiya para sa kaligtasan ng nakakarami.GENE ADSUARA