• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 toneladang relief supplies hinatid ng C-130 sa Cebu

Naihatid na ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang nasa 15 tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Cebu.

 

 

Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, ang mga relief supplies ay inilipad mula sa Villamor Airbase patungong Benito Ebuen Airbase sa Mactan kahapon sa dalawang sortie.

 

 

Kinabibilangan ito ng relief goods kasama ang mga sako ng bigas, galon ng tubig at mga delata.

 

 

May karga rin itong mga non-food item tulad ng tent, toiletries, mga donasyong damit at geĀ­nerator set.

 

 

Ipamamahagi ang relief goods sa Visayas Region at Northern Mindanao.

 

 

Samantala, bukod sa relief operations, tiniyak ng PAF operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. (Daris Jose)