• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pedicab driver todas sa motor sa Navotas

NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Pagulayan, 39 ng R-10, Brgy., NBBN Proper.

 

 

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng Yamaha Nmax motorcylce (630-ATF) na kinilalang si Manuel Maribojoc, 51 ng 5 Vincent St., B.F Road Quezon City.

 

 

Base sa report ni PSSg Levi Salazar kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente kahabaan ng Road-10, NBBS Proper.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ni Maribojoc sakay ng kanyang motorsiklo ang naturang lugar patungong Malabon City nang aksidente nitong mabangga ang biktima na tumatawid sa lugar.

 

 

Matapos nito, isinugod ang biktima at ang driver ng motorsiklo sa naturang pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Pagulayan habang matapos naman magamot ang tinamong mga sugat ay dinala sa himpilan ng pulisya si Maribojoc. (Richard Mesa)