Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF
- Published on December 4, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3.
Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa.
Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa ang naiwan sa ikatlong alerto.
Bukod dito ay wala ng iba pa at ang lahat ng area sa iba’t -ibang panig ng kapuluan ay nasa Alert level 2 na gaya ng Metro Manila at iba pang highly urbanized cities.
“Well, to put it simply, iyong province of Apayao, iyon na lamang po ang naiiwan sa Alert Level 3. Every province, highly urbanized cities and independent component cities, lahat po sa buong Pilipinas ay naka-Alert Level 2 na po,” ayon kay Nograles.
Umaasa si Nograles na magtuluy- tuloy na ang downward trend na sa mga nakalipas na araw ay pababa ng pababa ang naitatalang new at active cases.
At kapag nagkataon ay makakabalik na ang marami hindi lang sa paaralan at hanapbuhay kundi marami na rin ang makapaghahanap ng trabaho para sa ikabuhuhay.
“Napakaganda po ng bilang na nakikita natin ‘no. Ang ni-report kanina, 425, biruin mo 425 yesterday iyong new cases; iyong active cases natin, 15,800, and it’s going down and down and down. So we’re hopeful that this will continue so that we could really get back to the … go to the new normal way of living and finding jobs, children going to school ‘no and, you know, getting back to work,” anito. (Daris Jose)