Suspendido ang operasyon ng LRT 1 sa Nov. 28
- Published on November 27, 2021
- by @peoplesbalita
Hinto muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa November 28 dahil sa gagawing paglilipat sa bagong signaling system ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC).
Hindi lamang sa November 28 kung hind isa darating na Jan. 23 at 30 ay hinto rin muna ang operasyon ng LRT1 upang matapos na ang kailangan paglilipat sa bagong signaling system.
Ang LRMC at ang kanilang contractor ay nakatakdang magsagawa ng sunod-sunod na test runs sa nasabing rail system upang malaman ang kahandaan ng bagong signaling system.
“Railway signaling is a system used to direct railway traffic and keep trains clear of each other at all times to ensure smooth and safe operations,” wika ng LRMC.
Ginagawa ang upgrading ng LRT 1 sa bagong Alstom signaling system upang makayanan ang commercial use ng fourth generation train sets ng kasalukuyang system. Ang mga bagong train sets ay nakatakdang gamitin sa kalagitnaan ng susunod na taon upang makumpleto ang safety checks, inspections at iba pang kinakailangan test runs.
“We look forward to the developments lined up for the LRT 1 in 2022. The migration to the new signaling system underscores LRMC’s commitment in modernizing the railway system and delivering better service to our customers,” saad ni COO Enrico Benipayo.
Kung kaya’t hinihingi nila ang pangunawa ng mga pasahero at publiko dahil sa pansamantalang inconvenience na mararanasan ng mga pasahero subalit tinitiyak ng LRMC na magiging beneficial ang kanilang gagawin sa darating na panahon.
Noong pang nakaraang January nagsimulang dumating ang batches ng fourth generation train sets. Bawat Gen-4 train set ay may four (4) light rail vehicles (LRV) na may total capacity na 1,300 na pasahero kada takbo.
Samantala, may kabuohang 30 train sets o 120 na LRVs na galing sa Spain at Mexico ang nakatakdang dumating hanggang sa June ng susunod na taon na gagamitin sa LRT 1 system at ganon din para sa pagbubukas ng Cavite Extension project.
Ang LRMC ay isang consortium ng MPIC’s Metro Pacific Light Rail Corp, Ayala’s AC Infrastructure Holdings Corp. at Macquarie Infrastructure Holdings PTE Ltd, na siyang nag take over sa management ng LRT Line 1 noong 2015. LASACMAR