• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, malaki ang pasasalamat kay NOYNOY sa pagpapakilala ng ‘new man in her life’; looking forward nang maging ‘Mrs. Mel Sarmiento’

WE are happy for Ms. Kris Aquino who is now engaged sa kanyang boyfriend na si former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

 

 

Sa kanyang mahabang IG post ay pinasalamatan ni Kris ang kanyang yumaong Kuya Noynoy Aquino na siyang nagpakilala sa kanya sa ‘new man in her life’.

 

 

Kris shared na alam ng kanyang Kuya na she will be broken sa pagkawala nito kaya his Kuya Noy made sure na there is someone who not only wiped her away her tears but made it also possible to smile and laugh again.

 

 

Dumating ito nung panahon na hindi niya inaasahan kaya tama nga ang lahat na nagsabi in God’s perfect time.

 

 

After what Kris had experienced and gone through in the name of love, she deserves to be happy. Sana nga ito na ang forever na inaasam niya.

 

 

Say pa ni Kris, “As much as I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmento.”

 

 

***

 

 

TAKOT sa multo si Candy Pangilinan kaya hindi siya mahilig manood ng horror movies.

 

 

Sa digital presscon ng Sa Haba ng Gabi, directed by Miko Livelo, ikinuwento niya na there was an instance na naligo siyang bukas ang pinto ng banyo, pati pinto ng kwarto dahil sa takot.

 

 

Nararamdaman niya kasi na may presence sa loob ng kuwartong tinutuluyan niya. Said incident happened sa isang probinsiya many years ago. Kaya anything na nakakatakot ay hindi niya pinanood.

 

 

In a way, sabi ni Candy, ay nakatatakot din ang experience nila during the shoot of Sa Haba ng Gabi. Bukod kasi sa binagyo sila ay nagkaroon pa ng earthquake while they were shooting.

 

 

Kasama rin movie ang couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles. The movie will be streamed sa Vivamax simula October 29.

 

 

***

 

 

PUMIRMA ng kontrata si Kiefer Sanchez, one of the members of the TNT Boys sa MAK Entertainment Services.

 

 

The contract signing was held last Saturday sa H Café and Events Place.

 

 

Ang MAK Entertaiment Services ay pag-aari ng couple na sina Ferdie Mak at Debbie. Isa itong US-based artist management and concert company.

 

 

Ang unang venture ng MAK sa concert production ay isang digital concert titled Sheryn Regis: Love United na co-prod nila with ABS-CBN.

 

 

Pero kahit na pumirma na si Kiefer sa MAK ay patuloy pa rin siyang magiging member ng TNT Boys.

 

 

Umaasa ang 16-year-old na si Kiefer na sa tulong ng MAK ay matutupad ang pangarap niyang makilala sa international music scene.

(RICKY CALDERON)