• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEACTIVATED VOTERS MAGPAREHISTRO ULIT

NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa mga deactivated voters na i-renew ang kanilang registration bago ang deadline sa September 30.

 

 

Ginawa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang apela sa higit anim na milyong botante na deactivated na ang kanilang registration dahil sa hindi pagboto ng magkasunod na halalan.

 

 

“To reactivate, there is no need to personally appear at the Comelec office. You can do it through sending an email to your respective Election Officers,” sinabi ni Guanzon sa  Laging Handa briefing.

 

 

Ayon kay Guanzon, ang email addresses ng lahat ng opisina ng Election Officer ay makikita sa Comelec website.

 

 

Noong July, iniulat ng Comelec na higit sa 600,000 deactivated voters ang muling nagparehistro upang makalahok sa darating na halalan.

 

 

Ilang mambabatas naman ang humihirit pa na palawigin ang voter registration dahil na rin sa pagkakasuspinde ng ilang beses dahil sa mga ipinatutupad na quarantine classifications sa National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa.