LALAKI ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isang lalaki na nagbebenta ng baril sa ikinasang gun bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kagabi sa Tondo, Maynila .
Kinilala ang suspek na si Mark Oliver Buenaventura , alyas Mico, 21, binata ng 1987 Almeda St. Brgy 226 Zone 21, Tondo, Manila.
Kilala rin ang suspek na miyembro ng “Tiatco Criminal Gang” na maituturing na district level criminal gangs
Sa ulat ng MPD, alas 7:15 kagabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Daang Bakal St , Tondo.
Nagsagawa ng gun buy bust operation ang mga tauhan ng MPD-DPIOU sa pangunguna ni PMaj Carlo Lonosa , hepe ng DPIOU laban sa suspek.
Nag-ugat ang operasyon mula sa impornasyon na natanggap mula sa regular confidential informant na biniripika naman ng pulisya .
Ang suspek ay sangkot din sa “basag kotse”, illegal drug trades, gun running, at robbery hold-up activities sa area ng Tondo, Manila at kalapit syudad.
Kakasuhan ng Comprehensive Laws of Firearms and Ammunitions ang suspek matapos makuha sa kanya ang isang Smith and Wesson .357 Magnum revolver na walang serial number at loaded ng apat na bala.
Nakuha rin sa suspek ang P500 mark money at booodle money na P3,000. GENE ADSUARA