• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth, naging maingat sa pag-proseso sa hospital claims

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte na naging maingat ang state medical insurer PhilHealth sa pag-proseso ng  hospital claims, na ayon sa  medical facilities ay maaaring pondohan ang  paggamot sa mga  COVID-19 sufferers. 

 

 

Nauna nang sinabi ni Philippine Hospital Association na may utang ang PhilHealth sa private at public medical facilities ng P20 billion “in COVID-19 claims.”

 

 

Kaya ang tanong ni Pangulong Duterte kay PhilHealth president at CEO Dante Gierran na: “Bakit mahina ka?”

 

 

Sinabi ng Pangulo na ang sagot ni Gierran ay dahil ang kanyang trabaho ay may kinalaman sa “receipts and documents”  para sa medicines, expenses, at hospital admissions.

 

 

“Sabi niya, “I have to be careful, NBI ako sir e,'” ani Duterte patungkol kay  dating director ng  National Bureau of Investigation.

 

 

“‘I cannot move faster than how they want it to be because I have to be very careful considering what happened to Philhealth. Ayaw ko mangyari sa akin ‘yan,'” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng  Private Hospitals Association of the Philippines Inc, na ang delayed reimbursements ay gagamitin para i-cover ang sahod ng  health care workers, medical equipment at supplies.