• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 CHINESE NATIONAL, INARESTO SA PANUNUTOK NG BARIL

ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mambugbog at nanutok ng baril sa isang tricycle driver sa Binondo, Maynila 

 

 

Kinilala ang mga naaresto na sina Jialuo Yan, Jimmy Dy, Benson Tan.

 

 

Sa ulat ng Manila police District  (MPD), kapwa nakainom ang mga suspek nang matyempuhan ng mga operatiba na binubugbog ang mga biktimang si Edgardo Perez at Domingo Buela sa kahabaan ng  Sabino Padilla St. malapit sa kanto ng  Ongpin St., Binondo, Maynila

 

 

Bukod dito, nanutok pa ng baril si Tan  sa mga biktima habang hawak naman ni Yan ang isang gunting .

 

 

Binangga pa umano ng minamanehong Mercedenz Benz ni Dy ang tricycle ni Buela dahilan para masugatan ang biktima.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang FNX-45 Firearms na may sampung bala gayundin nakumpiska rin ang dalawa pang magazine na may lamang 10 at 8 bala.

 

 

Ang  mga naarestong Chinese  na nahaharap sa patung-patong na kaso ay itinurn-over na sa General Assignment and Investigation (GAIS) ng MPD-PS 11. GENE ADSUARA